Epekto ng once a month lang sumesweldo. :D Wasak!
Tweet
Friday, September 9, 2011
ang mahiwagang mensahe.
Nagaaabang ako ng masasakyan. Hay salamat dumating na din yung jip. Nagmamadali ako sumakay. Medyo madami din kasi akong dala. Sa wakas tagal ko nagabang muntik na ko magtrysikel. Napansin ko may lalaki sa dulo. Nakayuko lang sya. Medyo mahaba yung buhok. Parang hindi sya mapakali. Buti na lang malayo sya sa upuan ko. Unti unti ng bumaba yung mga sakay. 5 na lang kame, naging 3 hanggang sa ako at ang mama sa sulok na lang. Pababa na ko. Yes. Hindi na ko kakabahan. Para ho! Pagbaba ko, naramdaman ko kasunod ko yung mama. Sabi ko sa sarili ko, eh ano naman. Magaabang sana ulit ako ng trisikel pero mukhang wala na talaga. Alas dos na din kasi ng madaling araw eh. Sige na nga maglalakad na lang ako. Ilaw na lang ng poste yung liwanag na nakikita ko. Pero parang dalawang anino yung nakikita ko sa daan. Yung akin saka.. edi malamang dun sa mama. Ayokong lumingon ayokong tignan baka isipin nya pinagbibintangan ko sya. Binilisan ko na lang yung lakad ko. Mabilis na hindi halatang nagmamadali. Pero parang bumibilis din yung lakad ng mama. Kinabahan na ko. Malamig non pero pinagpawisan nako. Gusto ko na sumigaw. Halos lumuwa na yung mata ko sa paghahanap ng taong lalapitan ko. Wala akong ibang nakitang daan kundi yung eskinita. Doon kasi may malapit na lagusan papuntang barangay. Binilisan ko bahala na. May nakikita kong liwanag pero sarado yung daan. Huminto ako. Naramdaman ko huminto na din sya. Naku po. Deadend. Kapag tumalikod ako. Im sure sya yun. Anong gagawin ko? Pumikit ako. Nagdasal. Humarap ako.. At sa pagdilat ng mata ko... nagulat ako sa nakita ko... Yung mama. Nakayuko siya pero parang may hawak syang papel.. Inabot nya sakin. Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko eh.. Pero sige na nga, Binuksan ko yung papel. Binasa. Madilim kaya kinuha ko yung flashlight ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Nakalagay, "may sweldo na". :) Yahoo..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
haha ikaw nang araw araw may blog.:)
ReplyDeletegoodlak saten..sana umabot next month!